Ni ERNEST HERNANDEZ

SA kanyang ika-anim na season sa PBA, pursigido si Riego “Bam Bam” Gamalinda na maipamalas ang potensyal sa kanyang career sa Magnolia Hotshots.

pba2 copy

Sa nakalipas na season, naitala ni Gamalinda ang averaged 4.5 puntos. Nitong 2017, nagawa niyang maitaas ang scoring output sa 7.0 kada laro. Sa kampo ng Hotshots, malaki ang potensyal na mas maimprove dniya ang kanyang talento.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

At sa unang sabak ng koponan para sa seasong-opening PBA Philippine Cup, hataw si Gamalinda sa naiskor na 15 puntos.

At pakikipagtambalan niya kay Paul Lee ang naging sandigan ng Magnolia para magapi ang Alaska Aces.

Nakuha ng Magnolia si Gamalinda mula sa Blackwater sa trade na kinasangkutan din ni Kyle Pascual, Allein Maliksi at Chris Javier.

Para kay “Bam Bam,” walang naging isyu sa kanyang paglipat at madali siyang nakasunod na sistema ni head coach Chito Victolero.

“Actually, hindi naman mahirap mag-adjdust. Kasi ang team na ito, maraming gusto mag-sacrifice at nadadala ko rin,” sambit ni Gamalinda. “Yung maliliit na details, alam ko nakakatulong kaya nag-end up kami ng win na ito.”

“Wala dito yung ‘akin yung bola… akin na’. They give up the ball, kapag libre ka, i-tira mo na kasi nag-e-ensayo naman kami. Thankful ako na lumabas ngayon,” aniya.

Sa pagkawala nina Rafi Reavis, Marc Pingris at Jio Jalalon dahil sa injury, malaking bagay na magpakitang gilas si Gamalinda.

“Iyun ang sabi ni coach na dapat man-up at step-up lang lahat kasi kung hindi – hindi kami mananalo,” pahayag ni Gamalinda.

Madali lamang umano ang ibinigay na paalala ni Victolero sa bagong bihis na player at ito’y ang maglaro nang tama at masaya.

“Kailangan i-enjoy. Sabi ni coach, kailangan natin i-enjoy,” aniya.