Ni Marivic Awitan

INAMIN ni L Salle star slotman Ben Mbala na walang katiyakan ang kanyang caree sa UAAP kung kaya’t tinanggap niya ang alok ng Fuerza Regia sa Liga Americas sa Mexico.

Ayon sa 6-foot-8 forward, hindi malinaw ang kahihinatnan ng kanyang basketball career matapos ipahayag ng UAAP Management Committee na muling bubuhayin ang “seven-years-out-of-high-school” rule para sa eligibility ng mga players.

Sakaling maipatupad muli sa susunod na season, tiyak na matetengga ang career ng Cameroonian slotman sa Green Archers,

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ayon kay Mbala, hindi siya makakapagpatuloy sa kanyang caree sa UAAP dahil sa naturang regulasyon higit at nagmula siya sa ibang liga at nanganilangan gn isang taong residency bago pinayagang makalaro sa La Salle.

“The uncertainty of playing next year especially knowing my history with the league,” pahayag ni Mbala sa kanyang social media account.

“I just got used to things not going my way. I really expected them to bring that rule just to make (me) ineligible,” ayon sa dating Southwestern University star.

Ayon kay Mbala, tila dehado ang tulad niya sa naturang rules at iginiit na tila nakatuon ito sa kanya.

“Yeah I definitely did. Especially that they brought out the rule and made public a couple of days after reports said I will be coming back.”

Ngunit, inamin ni Mbala na mabigat sa kanyang loob ang naging desisyon.

“La Salle is family to me. It is never easy to leave the people you love,” aniya.