Ni REGGEE BONOAN

NAKAKUWENTUHAN namin ang business staff ni Kris Aquino na si Jack Salvador, at saka lang kami nalinawan kung bakit nag-uunahan sa kanyang lady boss ang maraming malalaking kompanya para kunin siyang influencer.

KRIS copy copy

Sino ang mag-aakalang mas magiging in demand as endorser o influencer si Kris ngayong wala na siya sa traditional media o telebisyon?

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

Patuloy sa pagdami ang brands na gustong makipag-partner kay Kris para iendorso ang mga produkto nila sa social media.

Brand partners ang tawag sa mga kompanyang lumalapit kay Kris para kunin siyang endorser/influencer ngayong concentrated siya sa social media. Noong nasa traditional media o telebisyon ay product ambassador/ambassadress/endorser siya.

Dalawang taon nang hindi napapanood si Kris sa telebisyon pero hindi naging sagabal ito para hindi siya mapanood ng mga sumusubaybay sa kanya. Sa ngayon, mayroon siyang 3.2-M Instagram followers, 1M naman sa Facebook at 1.4M sa Twitter. Sa YouTube na bago pa lang ang account niya, mayroon naman siyang 70,000 followers.

Pero sa social media pala, hindi lang ang mga numerong ‘yan ang nagre-reflect dahil si Kris ang Filipino celebrity na pinakamarami ang engagement at shares.

Alam ng malalaking negosyo ang malaking figures ng engagements at shares ng mga post ni Kris sa social media, kaya parami nang parami ang kumukuha brand partners sa kanya -- at isa na sa mga bago ang online shopping app na Adobomall na inilunsad nitong Oktubre 20, 2017.

Nagulat ang may-ari nito dahil sa loob lang ng dalawang buwang activation ay nag-crash ang kanilang application nang hindi kayahin ang dami ng mga taong gustong mamili online ng fashion and apparel labels, lifestyle brands, travel, leisure essentials, gadgets/electronics, beauty/cosmetics, accessories, eyewear, toys, collectibles, books, restaurants, at health/wellness services at iba pa.

Napatunayan ng Adobomall kung gaano kaepektibo ang Queen of Social Media and Online World at nalaman din ng lahat na kapag in-upload niya, tulad ng Adobomall apps, talagang sinusubukan ng followers niya.

Nagbabago nang talaga ang pamumuhay natin, simula sa media hanggang sa pamimili. Kung noon ay sa TV lang nakatutok ang lahat, ngayon may online platform na at hindi na rin solo ng malls ang retailing market. Mas convenient nang mamili sa online ngayon, lalo na ang mga taong abala sa maraming bagay dahil wala nang mahabang pila sa bayaran, bukod pa sa parusa rin ang paghahanap ng parking at ang wala nang kalutasang trapik.

“Si IG (Instagram) talaga ang basehan namin kasi nagmi-mirror lang ito kay FB (Facebook), kay YouTube,” sabi ni Jack.

“Ang reliable namin si IG. Nagugulat kami roon, kasi bigla-bigla may post na si Madam (Kris).”

Si Kris mismo ang humahawak at nagre-reply sa lahat ng nagtatanong sa IG.

Kuwento pa ni Jack nang imbitahan sila sa Google/YouTube at Facebook/IG sa Singapore, “’Yung buong mall nila puro videos ni Madam kasi natutuwa sa kanya si Google at YouTube. Then on the following day nagpunta naman kami sa Facebook and Instagram at ganoon din, iba rin ‘yung engagement niya.”

Sa ngayon, ang live o active na brand partners ni Kris ay ang National Bookstore, Banco de Oro, PLDT, Smart at Nespresso. Nag-renew sa endorsement deals niya ang Chowking, Ulthera, Uni-Pak, LBC at Ariel. Lima ang bagong naisarang deals kasama na ang ilang giant company na ayaw i-reveal ni Jack, at marami pa ang nakikipag-negotiate.

Kasalukuyang nasa Tokyo, Japan ang mag-iinang Kris, Josh at Bimby pero sa Hong Kong sila magdiriwang ng Pasko at uuwi naman ng Pilipinas bago mag-Bagong Taon para sa bagong bahay nila salubungin ang pagpasok ng 2018.