Ni Mina Navarro

Iniulat ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Samar 1st District Engineering Office na hindi madadaanan ang Calbayog-Allen Road sa KO701+900 – KO701+985 Barangay Malayog, Calabayog City, dahil sa 250 cubic meters ng rockslide nitong Huwebes ng gabi.

Kasalukuyang nagsasagawa ng clearing operation ang kagawaran kasabay ng paglalagay ng mga barikada, babala at abiso sa trapiko.

Ang mga motorista mula sa Allen, Catarman patungong Tacloban at vice versa, ay pinapayuhang dumaan sa Allen, Catarman – Catarman-Calbayog sa pamamagitan ng ruta sa Lope de Vega.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol