Ni NITZ MIRALLES

‘PAPS’ (as in ‘papa’) pala ang tawagan nina Coco Martin at Edgar Allan (EA) Guzman na nalaman namin nang magkomento si Coco sa Instagram post ni EA tungkol sa comment ng Cinema Evaluation Board sa MMFF entry nila ni Joross Gamboa na Deadma Walking na, “Ngayon pa lang CONGRATS, Paps!!!”

EDGAR ALLAN AT COCO copy

Sumagot si EA ng, “Paps!! Salamat!!! Congrats din sa movie mo!! Panonoorin ko ‘yun paps idol ka talaga!!”

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Kahit magkalaban ang Deadma Walking at ang Ang Panday nina EA at Coco, heto sila’t nagsusuportahan at mas pinanaig ang pagiging magkaibigan.

‘Tapos, magiging magkalaban pa sila sa best actor, masaya ito!

Samantala, ang husay-husay ni EA sa role bilang Mark sa Deadma Walking na kahit nakatalikod o naglalakad lang, umaarte pa rin. Kung si Nora Aunor balikat ang umaarte, si EA puwet naman. Hindi lang isang beses niyang itong ginawa kundi tuwing may eksena siyang nakatalikod at naglalakad, consistent ang puwet.

Malakas ang laban ni EA sa best actor sa awards night ng Metro Manila Film Festival sa December 27 na gaganapin sa Kia Theater. Hintayin natin ang magiging resulta ng winners kung tama ang hula ng maraming nakapanood sa movie nila ni Joross na siya ang mag-uuwi ng award.

Samantala, patuloy na napapanood si EA sa My Korean Jagiya ng GMA-7 bilang si Ryan na ka-love triangle nina Gia (Heart Evangelista) at Jun Ho (Alexander Lee). Hindi kinaiinisan ang karakter niya dahil lovable pa rin. Lalong minahal ang karakter ni Edgar nang magpaubaya at hayaan na sina Gia at Jun Ho.