ANG climate change na pinalala ng mga aktibidad ng tao ay maaaring magbunsod ng pagdalas at pagtindi ng pagsabog ng mga bulkan, ayon sa isang bagong siyentipikong pag-aaral.
Ang dahilan: Habang umiinit ang planeta at natutunaw ang yelo sa pinakamalalamig na lugar, nababawasan ang pressure sa magma sa ilalim ng mundo. Ang mas kakaunting pressure ay nagreresulta sa mas maraming pagsabog, iniulat ng Huffington Post.
Inilathala ng grupo ng mga mananaliksik, sa pangunguna ni Graeme T. Swindles, associate professor ng Earth system dynamics sa University of Leeds sa Washington, ang pag-aaral noong nakaraang buwan sa journal na Geology. Sinuri nila kung paano ang maliliit na pagbabago sa glacial ice ay nakaaapekto sa aktibidad ng bulkan sa Iceland 4,500 hanggang 5,500 taon na ang nakalipas — ang panahong malamig ang planeta at lumaki ang glaciers grew. Gumawa sila ng timeline ng mga aktibidad ng mga bulkan sa Iceland sa pag-aaral sa dami ng abo na ibinuga at nakaapekto sa mga bukirin at lawa sa Europa, at ikinumpara ito sa glacial ice sa Iceland.
Natuklasan nilang habang lumalawak ang lugar na nababalutan ng yelo, dumalang naman ang mga pagsabog ng bulkan.
Gayundin naman, nang matunaw ang parehong glaciers, dumalas naman ang aktibidad ng mga bulkan.
Ang yelo “can affect magma flow and the voids and gaps in the Earth where magma flows to the surface as well as how much magma the crust can actually hold,” sinabi ni Swindles sa panayam sa kanya ng Scientific American magazine sa artikulong inilathala nitong Huwebes. “After glaciers are removed the surface pressure decreases, and the magmas more easily propagate to the surface and thus erupt.”
Ang pagitan ng kaibahang ito ng klima at pagbabago sa dalas ng pagsabog ng bulkan ay aabot sa 600 taon, ayon sa mga natuklasan sa pag-aaral, saad pa sa ulat ng Huffington Post.
Tinukoy ng mga mananaliksik sa kanilang pag-aaral na “human-induced climate change is causing rapid melting of ice in many volcanically active regions.” Anila, iminumungkahi ng tuklas na ang pag-iinit ng panahon ay maaaring nangyari noon pang Little Ice Age — ang malamig na panahon sa pagitan ng 1300 at 1850 — at kalaunan ay posibleng magbunsod ng mas malalakas na pagsabog ng bulkan.