Ni Mario Casayuran

Ang pagbibitiw sa puwesto ng mga opisyal ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang magiging pinakamagandang regalo ng ahensiya sa mga Pilipino ngayong Pasko, ayon kay Senator Sherwin T. Gatchalian.

Bilang chairman ng Senate economic affairs committee, sinabi ni Gatchalian na ang P3,797 halaga na ginastos ng PCSO management sa Christmas party para sa bawat isa sa 1,580 empleyado nito ay malayong-malayo sa kasalukuyang rate, kahit na sa isang five-star hotel ginanap ang kasiyahan.

“It was immoral. It was wasteful and done without conscience,’’ lahad ni Gatchalian.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Ang kontrobersiyal na “expensive’’ PCSO Christmas bash ay isiniwalat ni Sandra Cam, PCSO board member at kilalang whistleblower.

Kung magre-resign, makakaiwas ang Senado sa gulo, makakatipid sa oras at sa problema hinggil sa imbestigasyon sa nasabing kontrobersiya, ayon kay Gatchalian.

Kung susumahin ng isang ordinaryong mamamayan ang P3,797 na nagastos sa kada isang tauhan ng PCSO ay “sobra, sobra’’, dagdag pa niya.

Ipinahayag ni Gatchalian ang kanyang pag-asang iimbestigahan ni Pangulong Duterte ang kontrobersyal na kasiyahan, dahil nagpahayag na ang Pangulo na hindi nito gusto ang pagiging magastos ng ilang opisyal ng pamahalaan.