Ni Anthony Giron

IMUS, Cavite – Patay ang isang barangay chairman makaraang pagbabarilin ng dalawang lalaki sa harap ng kanyang bahay sa Imus, Cavite, nitong Biyernes ng hatinggabi.

Tumakas ang mga suspek sakay sa motorsiklo makaraang barilin si Eduardo Garcia habang minamaniobra ang kanyang Toyota Innova (NIE-612) papasok sa garahe ng kanyang bahay sa Barangay Pasong Buaya II, bandang 12:15 ng umaga.

Ayon sa mga saksi, nakasuot ng maskara at jacket ang dalawang suspek.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Nasawi si Garcia habang ginagamot sa Metro South Medical Center sa Bgy. Molino IV, Bacoor, dahil sa mga tinamong tama ng bala sa katawan.

Kasalukuyang nasa ikalawang termino na si Garcia bilang chairman ng Bgy. Pasong Buaya II, isa sa pinakamalalaking barangay sa Imus.

Sinabi naman ni Supt. Norman Rañon, hepe ng Imus Police, na kinukumpirma na ng pulisya ang motibo sa krimen.