MILAN (AP) – Ipinagbibili na ang Alpine chalet malapit sa French border kung saan dating nagbabakasyon tuwing tag-araw sina Pope John Paul II at Pope Benedict XVI.

Iniulat ng ANSA news agency nitong Sabado na ibinebenta ng Salesian order na nagmamay-ari ng chalet ang property sa mountain hamlet ng Les Combes, sa Valle d’Aosta, dahil mahirap itong i-maintain.

Gumugol si John Paul II ng 10 summer holidays sa retreat, na nakatayo sa taas na 4,265 feet, habang si Benedict ay dalawang beses na nagbakasyon doon. Sa lugar na ito nahulog at nabalian galanggalangan ang German-born pope noong 2009.

Sa online advertisement para iparenta ang property, inilarawan itong “the alpine sojourn of John Paul II,” may roong 124 silid-tulugan, 22 palikuran, at nagbibigay ng “unequal views.”
Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture