Ni Annie Abad

PATULOY na susuportahan ng Philippine Sports Commission (PSC) ang gastusin at pangangailangan ni dating Asian Sprint Queen Mona Sulaiman.

Ayon kay PSC chairman William Ramirez, na dapat lamang umano na bigyan nang pagpupugay ang Women’s Athletic Asian Games gold medalist na si Sulaiman sa bilang pagkilala sa kanyang kontribusyon sa Philippine Sports.

“PSC will take good care of Mona Sulaiman, hanggang sa paglibing. This is to recognize her contribution to Philippine sports,” ani Ramirez.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Naguwi ng tatlong gintong medalya si Sulaiman sa mga events na 100m, 200m 4x100m relay at isang bronze sa shotput sa naging kampanya noong 1962 Asian Games na ginanap sa Jakarta Indonesia.

Disyembre 16 ng taong ito nang isugod sa ospital ang 75-anyos na si Sulaiman, sanhi na rin ng komplikasyon sa sakit na diabetes. Sumakabilang-buhay si Sulaiman nitong Huwebes sa East Avenue Medical Center.

“We consider her as one of our Sports Hero. That’s why she deserved to be recognized and taken cared of until the end,” ayon pa kay chairman Ramirez.