Ni Light A. Nolasco

SAN ANTONIO, Nueva Ecija - Siyam na araw bago ang ika-49 na anibersaryo ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF), nabiktima ng vandalism ng mga hinihinalang rebelde ang gymnasium ng Barangay San Francisco sa San Antonio, Nueva Ecija nitong Linggo ng gabi.

Ayon kay Supt. Marlon Cudal, hepe ng San Antonio Police, malalaking letter markings ang na-spray paint ng hinihinalang NPA sa palibot ng nasabing gym na nakasaad “VIVA CPP-NPA-NDF, Kabataan sumapi sa NPA”, at “Mga magnanakaw na opisyal ng barangay papanagutin, sahod sa Barangay ibigay.”

Bukod dito, nagsulat din umano ang mga suspek na may nangyayari umanong kurapsiyon sa hanay ng mga opisyal ng barangay dahil sa umano’y hindi pagpapasuweldo sa mga tauhan sa barangay.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Nabatid sa report na hindi pa umano nakatatanggap ng tatlong-buwang sahod ang mga kagawad ni Barangay Chairman Eduardo Ostares, sa kabila ng nailabas na umano ng munisipyo ang nasabing pondo.

Paliwanag naman ni Ostares, may usapin sa barangay kaya na-delay ang paglalabas ng Bureau of Treasury sa nasabing pondo, kabilang na ang kakulangan ng requirements.