Ni GILBERT ESPEÑA

DADALHIN ni boxing sensation “Magic” Mike Plania ang husay at katatagan sa abroad sa kanyang unang pagsabak sa international fight ngayon sa Cancun, Mexico.

Tangan ang malinis na 14-0 karta, tampok ang pitong knockouts, haharapin ni Plania , pambato ng Sanman Promotions sa General Santos City, si Mexican Miguel “Demoledor” Tique (12W-10L-2D, 2 KOs).

Tatay kay Karl Eldrew: 'Tahimik mong ipanalo mga pangarap mo, dito kami ng Mama mo!'

“I am very happy to be back again. I will do my best in my first fight abroad. I want to thank Sanman Promotions and the Heavyweight Factory,” pahayag ni Plania sa kanyang Facebook account.

Sinabi ni Jim Claude “JC” Manangquil, CEO of Sanman Promotions, na handa na si Plania na ipakita sa mundo ang natatanging galling at husay.

“This will be a good learning fight for him. Thank you Heavyweight factory and our advisor Ricardo Rizzo for the opportunity,” sambit ni Mananguil.

Nagsanay si Plania sa Miami sa pangangasiwa ni Cuban Coach Osmiri Fernandez.

Nakamit ng 20-anyos na si Plania ang bakanteng World Boxing Federation (WBF) International bantamweight title via majority decision laban kay Lorence Rosas sa Makati Cinema Arena noong 2016.

“Tique is a tough Mexican and veteran fighter,” pahayag ni Manangquil.