ISANG nakakaantig na kuwento ang tampok ngayong Sabado ng Wish Ko Lang kasama si Vicky Morales bilang bahagi pa rin ng month-long 15th anniversary celebration ng programa. Magbibida sa espesyal na episode ang Kapuso stars na sina Catherine Rem, Rodjun Cruz, Bruno Miguel, at Samantha Lopez.

Wish Ko Lang_ dec. 23 copy

Pagtuntong ni Charlene (Catherine) ng kolehiyo, naghanap siya ng matutuluyan na malapit sa kanyang pinapasukan. May natagpuan naman siyang dormitoryo at dito niya nakilala si Allan (Rodjun). Madali silang nagkasundo at nahulog ang loob sa isa’t isa.

Pero simula nang maging magkasintahan, unti-unting nagbago ang ugali ni Allan. Nang minsan niyang nakitang nag-uusap si Charlene at ang dating nobyo nito, nagselos agad si Allan kahit wala namang malisya ang saglit na kamustahan. Sa kanyang galit ay nasaktan niya ang nobya. Dahil dito, gusto nang makipaghiwalay ni Charlene sa kanya. 

Trending

Babaeng gusto na magkaanak, nakipag-s*x sa iba dahil laging busy ang partner niya

Pero lalo itong ikinagalit ni Allan at ginahasa ang kasintahan para raw wala nang makinabang na iba. Ikinulong pa niya si Charlene sa kuwarto at patuloy na pinagsamantalahan. Binantaan din niya ito na kapag nagtangkang magsumbong ay mas matindi pa ang gagawin niya. Ang nagpalala pa sa sitwasyon, nagbunga ang karahasan ni Allan dahil nabuntis si Charlene.  

Paano haharapin ni Charlene ang lahat ng ito? Huwag palampasin ang Wish Ko Lang bukas ng hapon, pagkatapos ng Tadhana sa GMA-7.