Ni Ador Saluta

TINANONG si Vice Ganda sa presscon ng Gandarrapido: The Revenger Squad kung bakit wala siyang leading man sa MMFF entry na ito.

Vice lang copy

“Ano, kapag bakla hindi p’wedeng umibig. Sabi?!” pabirong sagot niya. 

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Nagkaroon siya ng love interest sa mga nakaraang MMFF entry niya, kaya mapapaiba ngayon.

“Ang dami ko ngang pinush na hindi pumasok, mga lalaki, ayaw ng management lagi,” nakakaaliw na sagot niya. “Sabi ko nga, ‘buti pa dati mayroon akong mga Derek Ramsay... puwede pa ‘yun, di ba, may pa-JC de Vera. Ngayon, ayaw na nila. Ewan ko sa mga ‘yan, walang pa-leading man.

“Kahit man lang love interest, wala, nakakabuwisit. Kahit nga sabi ko, ‘Ako ang magbabayad. Hindi kasama sa budget.

Ako ang magbabayad, ako ang magpapagawa ng tent, ako ang magpapakain, may sarili akong catering,’ wala! Ewan ko sa mga ‘yan!” pabiro sabay irap.

Kung sakali raw sanang binigyan siya ng leading man, si Zanjoe Marudo ang gusto niya.

“Naipilit ko si Zanjoe sa pelikulang ito, abangan ninyo.” Paliwanag niya, “Gusto ko kasi si Zanjoe talaga ang leading man. Pero tinanggal ‘yung character na may leading man, ‘yung wala siyang love interest, wala siyang makikilalang lalaki. Parang wala man lang akong nakausap, wala man lang akong crush, walang journey ‘yung character ko.”

Klinaro ni Vice ang kanyang role sa The Revenger Squad.

“Ang journey niya, kapatid lang siya the whole movie. Tutok lang siya sa kapatid niyang si Daniel (Padilla). Wala siyang ibang mundo kundi si Daniel lang. Ang buhay niya lang ay nakalaan kung papaano niya bubuhayin ang kapatid niya, kung paano niya aalagaan ang kapatid niya, kung paano niya isasalba ang buong mundo at ang kapakanan ng kapatid niya.

“Wala talagang love life kapag superhero? Wala talaga, ‘day. Pinagdamot, eh.”

Kasama rin nina Vice at Daniel sa The Revenger Squad si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach mula sa direksiyon ni Bb. Joyce Bernal.