Ni BRIAN YALUNG

NAGUWI ng karangalan ang 11-anyos na si Breanna L. Labadan nang tanghaling Individual All-Around champion sa katatapos na Hongkong Queens Cup 2017 International Rhythmic Gymnastics.

gymnastics copy

Nakopo ni Labadan ang tatlong ginto at isang bronze sa 11-under category ng prestihiyosong torneo na nilahukan ng pinakahuhusay na gymnasts sa rehiyon at interational.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Ginapi ni Labadan, nag-iisang gymnast na kumatawan sa bansa sa torneo, ang mga karibal mula sa China, Malaysia, Singapore, at Hongkong.

Nakamit niya ang ginto sa Ball Apparatus, Clubs Apparatus, at Individual All-Around routines, habang pangatlo siya sa Ribbon Apparatus routine.

“We are happy with the outcome of Breanna’s efforts. Her triumph was a result of dedication and hard work. We dedicate this to God and the Philippines,” pahayag Laurice Labadan, ina ni Breanna.

Pambato si Labadan ng St. Scholastica College-Manila at nagsasanay sa pangangasiwan ng Gymnastic Association of the Philippines (GAP) bilang miyembro ng national training pool.