Ni NITZ MIRALLES

NAALIW at hindi naartehan kay Gabbi Garcia ang kaharap na reporters sa presscon ng GMA ONE Online Exclusives nang hindi niya maintindihan ang salitang “pinapaboran.” 

Gabbi copy

Ipinaulit ni Gabbi sa reporter na nagtanong ang salita, pero hindi pa rin nito nakuha, kaya in-English na ng mga kaharap na reporter.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Ano’ng magagawa natin, eh, sa hindi talaga niya alam ang ibig sabihin ng salitang ‘yun? 

Nabanggit ang “pinapaboran” dahil inaalam ng reporter kay Gabbi kung nararamdaman ba niyang paborito siya ng network sa sunud-sunod na projects na ibinibigay sa kanya.

“Hindi naman siguro ako favorite ng network. Nakita lang nila na bagay ako sa #Goals, itong show ko sa GMA ONE Online Exclusives, kaya sa akin ibinigay. Also, baka nakikita nila na if they give me work, I always give my 100 percent effort. I always give my best,” sagot niya.

Sa follow-up question kung nararamdaman ba niyang may ibang Kapuso stars na naiinggit sa mga project na ibinibigay sa kanya, “Hindi ko alam. I’m concentrating on my work,” sagot ni Gabbi.

Maaari ngang may nagpi-feeling insecure kay Gabbi dahil bukod sa ONE Online Exclusives, kasama pa siya sa bagong primetime teleserye ng network na Sherlock, Jr. bilang isa sa leading lady ni Ruru Madrid. Bukod doon, nasa Sunday Pinasaya rin si Gabbi.

Pero sabi nga niya, sa ONE Online Exclusives at ang show niyang #Goals With Gabbi Garcia muna ang pag-usapan. Magpa-pilot sa January 1, 5 p.m. ang digital show na mapapanood, every Monday sa www.youtube.com/network.

“I will talk about beauty, fashion, style, make up tutorials, travel and music. We’re in a new age now where millennials appreciate digital content, they’re really into social media. The show is very relatable to the youth because in #Goals, we will talk about make up tutorials, new trends, how a typical teenager lives her life,” kuwento ni Gabbi tungkol sa kanyang show.