Ni NORA CALDERON

TAPOS na ni Barbie Forteza ang shooting ng Almost A Love Story na pinagtatambalan nila ni Derrick Monasterio na kinunan ni Direk Louie Ignacio ang maraming eksena sa Italy. 

Barbie sa St. Peter's Basilica copy

Maagang Christmas gift ito for Barbie na first time bumiyahe sa Europe at sa famous na lugar pa roon ang location nila.

Trending

Netizens, 'laglag-panty' sa bodyguard ni VP Sara; sino siya?

Additional gift kay Barbie na hindi man siya naka-experience ng White Christmas dahil wala pang snow habang naroroon sila, naranasan naman niya ang grabeng lamig, mas mababa sa temperatura sa Baguio.

Pero bago bumalik ng Pilipinas, hindi nag-aksaya ng panahon si Barbie na pumunta ng Rome at binisita ang Vatican.

Kaya nag-video siya sa harapan ang St. Peter’s Square na kinaroronan ng St. Peter’s Basilica.  

Caption ni Barbie sa kanyang video: “Para kay Mama na di sumama dahil di na keri maglakad ng  matagal.”  

Napakalaki talaga ng St. Peter’s Square at para nga makita ang kabuuan, mag-video ka na lang.

Nag-comment sa video niya ang boyfriend na si Jak Roberto ng, “ayan na naman nawawala na naman po sya.” Sagot ni Barbie: “HAHAHA!!! Nawawalang paslit eh.” 

Sinagot naman ni Barbie si @i_am_joey_paras ng, “hahaha, ayokong magPasko mag-isa noh!”

Kaya bago nga sumapit ang Pasko, bumalik na sina Barbie, Derrick, Lotlot de Leon at Ana Capri, with Direk Louie.  

Balik din si Barbie sa Sunday Pinasaya at sa 2018 na raw siya gagawa ng bagong teleserye sa GMA.