Prince Harry at Prince Philip
Prince Harry at Prince Philip

MAY bagong exciting role si Prince Harry.

Ayon kay Richard Palmer, ang royal correspondent ng Daily Express sa London, si Harry na umano ang magiging Captain General Royal Marines, ayin sa inaprubahang appointment sa kanya ni Queen Elizabeth.

“The Queen has approved the appointment of Prince Harry as Captain General Royal Marines,” tweet ni Palmer. “He succeeds the Duke of Edinburgh in the post.” Idinagdag pa ni Palmer na kahapon ang huling araw ni Prince Philip bilang Captain General at dumalo si Harry sa pagtitipon ng high-ranking Marines official nitong Martes.

Diana Zubiri, 'di pinagsisihang nagsimula bilang sexy actress

Tiyak na mahalaga para kay Harry ang pagsunod sa mga yapak ng kanyang lolo, at si Prince Philip din ang dahilan kung bakit sa Mayo niya itinakda ang araw ng kasal nila ni Meghan Markle, dahil matanda na raw ito.

“He didn’t want to get married at the same place as his brother,” lahad ng royals expert sa Entertainment Tonight, kaya gaganapin sa St. George’s Chapel sa Windsor Castle ang kasal, ang tirahan ng Queen at ni Prince Philip. “He didn’t want to have such a big royal wedding at Westminster Abbey -- it doesn’t need to be as big as William’s wedding. Harry really wanted to have something a little bit more intimate. The second reason is that he wanted something close to home for the Duke of Edinburgh and the Queen.” - AOL.com