Ni Ernest Hernandez

Matt Ganuelas-Rosser (PBA Images)
Matt Ganuelas-Rosser (PBA Images)
APAT na season nang bench player si Matt Ganuelas-Rosser – ang kanyang papel sa kasalukuyan sa San Miguel Beer sa PBA. Ngunit, hindi ito hadlang sa kanyang pagnanais na mabigyan ng quality game ang Beermen sa kung hinihinge ng pagkakataon.

“I’m just happy and blessed to get minutes on this team. Just knowing how hard it is,” pahayag ni Ganuelas-Rosser.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

Na-trade si Matt kapalit ni Ryan Roose (RR) Garcia sa nakalipas na season, ngunit naging balakid ang natamong injury para makalaro siya nang mas matagal sa SMB. Ngayon, handa na siyang sumagupa, higit at target ng Beermen ang ikaapat na sunod na kampeonato sa Philippine Cup.

“It is a blessing. Injuries happen in this profession. I’m just happy to be healthy right now, and I’m ready to give my all to this team. That is what I’ve done with my other team, and I just continue to do out here. Play all out and play hard,” sambit ni Ganuelas-Rosser.

Sa season opening nitong Linggo laban sa Phoenix Fuel Masters, nakapapag-ambag si Matt ng apat na puntos at apat na rebounds. Hindi rin siya nagapahuli sa depensa.

“I felt good out there. I just helped where I need to and I got the trust from all the players, and it is really fun,” aniya.

Tunay na mahirap para kay Matt na makakuha ng mas mahabang playing time, bunsod nang pagkapuno sa star players ng Beermen. Matibay din ang second unit ni coach Leo Austria na kinabibilangan nina Billy Mamaril, Chico Lanete, second-year guard Von Pessumal at rookie Louie Vigil.

“Everybody understands their role and we play our role. We just play our game, and we will give those guys a little more rest. The more solid we are, especially defensively, we can earn more minutes to them,” pahayag ni Matt.

Tangan ni Ganuelas-Rosser ang career averaged 6.4 puntos, 3.3 rebounds, at 1.9 assists. Naitala niya ang matikas na marka sa rookie season na may averaged 9.2 puntos, 4.5 rebounds at 1.1 blocks sa 26 minuto.

Bahagi rin siya ng Gilas Pilipinas na sumabak sa Jones Cup at FIBA Asia Championships noong 2015.

“It is a lot more fun playing with the best guys in the league. I just don’t get to do too much, and I just got to be solid. That is enough contribution. That is all they need,” aniya.