Emily Estefan
Emily Estefan
DINUDUMOG ng mga kritisismo online ang singer na si Emily Estefan nang ipagdiwang sa Instagram ang unang anibersaryo nila ng kanyang girlfriend.

Nagpahayag ng kasiyahan si Emily, ang anak ng Cuban icon na si Gloria at Emilio Estefa, sa social media nitong Sabado nang makatanggap ng madamdaming mensahe mula sa kanyang partner na si Gemeny Hernandez.

Ini-repost ng young singer ang sweet tribute ni Gemeny sa kanyang page, kasama ang kanilang black-and-white na litrato.

Ang mensahe ng kanyang girlfriend ay: “You swept me. You took me from my standing place and catapulted me to a new world. A brand new place, a most beautiful universe unlike anything I had every seen. (I know now I could only have reached it with you holding my hand.) There is love in every corner here. And not the kind of love you might think I’m referring to. Not flowers, chocolates, and poor-rhyme-scheme love. True love. Good love. Our love...”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Speechless si Emily, na una nang nagpahayag ng kilig sa kanyang partner, tungkol sa kanilang anibersaryo nitong nakaraang linggo, sa madamdaming mensahe, at pinasalamatan ang heartfelt words si Gemeny sa kanyang sariling caption.

“What does it feel like to have words like THIS written about you? I’ll let you know when I have an answer,” aniya. “for now.. I’m just a glowing puddle. I love you. Each and every word you write elevates me. (about me or not) I can’t wait for the world (and you) to see what you’re capable of.”

Marami ang humanga sa pagsasapubliko ng kanilang relasyon, ngunit mayroon ding mga kumontra sa kanilang sentimiyento at seksuwalidad.

“What a shame that the daughter of Gloria Estefan is gay. Just because of love it does not make it right in God’s eyes...” komento ng isang follower. Ang ang komento naman ng isa pa: “Must be a shame for her parents that she’s gay”.

Mabilis namang ipinagtanggol si Emily ng kanyang fans laban sa bashers.

“There is so much ignorance in the world...,” sagot ng isang Instagram user, na sinusugan naman ng isa pang tagsuporta, “Live and let live, and respect, is no one business but Emily’s. The world would be a better place if some people knew how to respect others.”

Hindi pa nagkokomento ang mga magulang ni Emily tungkol sa relasyon ng dalawa, ngunit malinaw namang tanggap nila si Gemeny sa kanilang pamilya, dahil kasama ito ng pamilya Estefan sa Washington, D.C. ngayong buwan. - Cover Media