Walang kinalaman ang Senate Finance Committee sa pagtapyas sa budget ng mga mambabatas ng oposisyon sa Kamara dahil desisyon ito ng kanilang lider.

Ayon kay Senator Loren Legarda, usaping internal ito ng Mababang Kapulungan kaya ang dapat na tanungin ay si Davao City Rep. Karlo Nograles.

Ito ang reaksiyon ni Legarda matapos lumabas ang ulat na tinapyasan ng P11 bilyon ang pondo para sa imprastraktura ng opposition congressmen.

Sinabi ni Legarda na ang P5 bilyon dito ay ipinondo sa imprastraktura sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) at ang P6 bilyon ay inilaan sa “urgent local infrastructure projects” para suportahan ang “build, build, build” program ng administrasyong Duterte. - Leonel M. Abasola

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'