PARIS (AFP) – Ipinasa ng parliament ng France nitong Martes bilang batas ang pagbabawal sa pagpoprodukto ng oil at gas pagsapit ng 2040, sa bansa na 99 porsiyentong nakasandal sa hydrocarbon imports.

Wala nang ibibigay na mga bagong permit para maghigop ng fossil fuels at walang umiiral na lisensiya ang ire-renew pagkatapos ng 2040, sa paghinto ng lahat ng produksiyon sa mainland France at overseas territories.

Nais ni President Emmanuel Macron na manguna ang France bilang major world economy sa paglipat mula fossil fuels — at nuclear industry — patungo sa renewable sources. Binabalak din ng kanyang gobyerno na ihinto ang pagbebenta ng diesel at petrol engine cars simula 2040.
Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'