TINANGHAL na kampeon ang La Salle Greenhills sa pagtatapos ng NCAA 15-under kiddies basketball champions pagkaraang makumpleto ang tournament sweep nang magapi ang Arellano University, 63-55, nitong weekend sa Letran Gym.

Nagtala si Jacob Cortez, anak ni dating PBA player Mike Cortez, ng 14 puntos at walong rebounds upang pamunuan ang Greenies.

Maagang nadomina ng Grennies ang laro at sa ikatlong period ay napalobo ang abante sa 56-36.

Winalis ng La Salle-Greenhills ang lahat ng pito nilang laro kabilang na ang 94-44 panalo kontra San Sebastian College sa Final Four.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nag-ambag naman si Kyle Rivera, nahirang na 2017 NCAA Kiddies MVP, ng 12 puntos at walong rebounds para sa Greenies.

Umiskor naman si Ivan Salinel ng 27 puntos at 21 rebounds kasunod si Venzon Liscano na mayroon ding double-double effort na 12 puntos at 11 boards, ngunit nawalan lahat ng saysay dahil hindi nila naisalba sa kabiguan ang Braves.

Naunang tinalo ng Arellano ang Letran sa Final Four, 57-55, upang makausad sa winner-take-all titular duel. - Marivic Awitan

Iskor:

LSGH (63) - Cortez 14, Rivera 12, Jugo 9, Macalalag 9, Reyes 6, Del Mundo 4, Ascutia 4, Torrijos 3, Gatuz 2, Guevara 0, Castro 0, Naliponguit 0, Dela Cruz 0, Padrones 0.

AU (55) - Salinel 27, Liscano 12, Cuenco 7, Tolentino 4, Bataller 2, Liwanag 2, Mara 1, Anagbogu 0, Mamac 0.