Nina CHARISSA M. LUCI-ATIENZA, HANNAH L. TORREGOZA at MARY ANN SANTIAGO

Hiniling kahapon ng isang lider ng Kamara ang paglabas ng implementing advisory na magsisilbing gabay ng publiko kung paano ipatutupad ang bagong personal income tax exemption at income brackets simula sa Enero 1, 2018.

Nanawagan si Leyte Rep. Henry Ong, chairman ng House Committee on Banks and Financial Intermediaries, kasunod ng pagpatibay bilang batas sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) bill.

“Now that the TRAIN Law has been signed and will take effect 15 days after publication as stipulated in the law, I urge the Department of Finance and the Bureau of Internal Revenue to swiftly issue an implementing advisory to the general public on how the new personal income tax exemption and income brackets shall be applied starting January 1, 2018,” saad sa kanyang pahayag.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“This would go a long way to clarify matters on how and when the exemption and salary deductions will be computed and applied starting the next cut-off period after January 1,” punto niya.

Nilagdaan ni Pangulong Duterte ang Republic Act 10963 nitong Martes. Inaasahang lilikom ito ng P130 bilyong kita at popondohan ang “Build, Build, Build” program ng pamahalaan.

“Only the personal income tax exemption and salary deductions need immediate clarification while the other concerns in TRAIN can be addressed later,” ani Ong.

Sa ilalim ng TRAIN Law, babawasan ang personal income tax, ngunit tataasan ang buwis sa sugary beverages, fuel, sasakyan at sigarilyo.

MAHIHIRAP MABIBIGATAN

Kaugnay sa pagsasabatas sa TRAIN, hinimok ni Senate minority leader Franklin Drilon ang gobyerno na bilisan ang pag-apruba sa mga hakbang para mai-rationalize ang fiscal incentives sa mga negosyo sa Pilipinas.

Ipinunto si Drilon na ang TRAIN ay magiging pabigat sa mahihirap dahil sa pagtaas ng fuel tax.

“I urge the administration and Congress to start working on the rationalization of fiscal incentives granted to companies so that we can make our tax system more equitable,” pahayag ni Drilon.

Sinabi niya na “it is utterly unfair” na papasanin ng mahihirap ang pagtaas ng buwis.

Naniniwala naman ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na anti-poor at dagok sa mahihirap na Pinoy ang TRAIN.

Ayon kay CBCP-Episcopal Commission on the Laity Chairman at Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, bagamat hindi na bubuwisan ang mga manggagawa na kumikita ng P250,000 pababa kada taon ay labis namang mapeperwisyo ang mga dukha dahil sa pagpataas ng mga pangunahing produkto na kanilang kinokonsumo.