ni Bert de Guzman
ANG babae ay para sa lalaki. Ang lalaki naman ay para sa babae. Ang kasal ay itinatag bilang isang sakramento ng Simbahang Katoliko para pagsamahin ang isang babae at isang lalaki sa layuning magkaroon ng anak/mga anak at makabuo ng isang pamilya.
Samakatuwid, hindi makatwiran at tama ang pagbabagong-isip (turn-about) ngayon ni Pres. Rodrigo Roa Duterte (PRRD) para paboran ang pagpapakasal ng magkaparehong kasarian (same-sex), tulad ng lalaki-sa-lalaki o babae-sa-babae. Hindi kaya ito ay biro lang at para utuin ang mga kasapi ng LGBT?
Sabi nga ng kaibigan kong palabiro pero sarkastiko: “Espadahan ang mangyayari kapag nagpakasal ang parehong lalaki, at Pompyangan kapag ikinasal ang parehong babae.” Urirat ko: “Ano ang ibig mong sabihin”? Tugon ni kaibigang sarkastiko: “Espadahan, kasi ang dalawang lalaki ay kapwa may tarugo. Pompyangan naman kasi sina babae ay parehong may monay at parang cymbals”.
Salungat hindi lang ang Simbahang Katoliko (hindi Katolika) sa pinapaborang same-sex marriage o kasal ng magkaparehong kasarian ni Mano Digong. Noong una, sa galit ni PRRD sa western countries, gaya ng US at European nations dahil umano sa pakikialam sa kanyang drug war, kontrang-kontra siya sa same-sex marriage na ipinaiiral doon.
Ngayon, biglang baligtad ang Presidente sa paniniwala niya noon na ang kasal ay sa pagitan lang ng lalaki at babae. Dahil dito, hinihimok ng Catholic at evangelical leaders (Philippine Council of Evangelical Church) ang mga Pilipino na tutulan ang legalisasyon ng same-sex marriage sapagkat ito ay tahasang kontradiksiyon sa central teachings ng Kristiyanismo at maging ng Islam ni Propeta Mohammed.
Matindi ang pahayag ni Sorsogn Bishop Arturo Bastes nang sabihin niya na kailanman ay hindi papayag ang Catholic Church ng lalaki-sa-lalaki at babae-sa-babae na kasalan. Nanawagan siya sa mga mananampalataya na huwag itong payagan, lalo na ang gawin itong legal. “The trivialization of marriage is one of the fundamental reasons for the breakdown of individuals and human society,” paliwanag ng obispo.
Isang kaibigang kolumnista ang sumulat ng ganito: “Same-sex marriage is a sodomy. Sodomy is SOO-DUMI!” Ay, mahal kong Pilipinas saang landas ka patungo? Papunta ka ba sa Sodom at Gomorrah, nakapandidiri?