Ni Reggee Bonoan

NAKATSIKAHAN namin ang taong malapit sa pamilya ng aktres na hindi na raw talaga mapagsabihan at mapasunod ng magulang dahil kung ano ang gusto ay siya nang nasusunod at ginagawa.

May sarili nang tirahan ang aktres kaya bihira na siyang makita ng magulang lalo na’t may alitan pala sila ngayong malaki na ang ipinagbago ng kanilang anak.

Ilang beses nang dumulog ang magulang ng aktres sa talent management nito dahil sa malaking pagbabago sa ugali ng kanilang anak, pero wala rin daw magawa ang manager dahil may sariling isip na at nasa wastong gulang na ang dalaga.

KILALANIN: Sino si Denise Julia na inireklamo ni BJ Pascual?

Ipagpasalamat na lang daw na tuluy-tuloy pa rin ang pagbibigay ng aktres ng tulong sa pamilya niya dahil siya ang breadwinner.

Sobra ang galit ng magulang ng aktres sa taong malapit ngayon sa anak nila dahil kung anu-ano raw ang itinuturo nito kaya malaki ang ipinagbago ng dalaga.

Hoping ang magulang na balang araw ay magigising ang aktres at sila pa rin ang hahanapin kapag nangailangan ng tulong at makakausap.

Well, ang pamilya hindi ka iiwan maski anong mangyari kaya sana ay huwag balewalain ng aktres ang magulang niya na naghirap at nagtaguyod sa kanya noong hindi pa siya sikat.