Ni Light A. Nolasco
SAN ANTONIO, Nueva Ecija - Nadale ng “Budol-Budol” gang ang isang 77-anyos na babae at natangayan ng malaking halaga ng pera at mga alahas sa Barangay Poblacion sa San Antonio, Nueva Ecija nitong Linggo ng umaga.
Luhaang dumulog sa himpilan ng pulisya makaraang matangayan ng P30,000 cash at P10,000 halaga ng mga si Felicitas De Leon, biyuda, residente sa nasabing lugar.
Base sa imbestigasyon, kalalabas lang ng matanda sa San Antonio de Abbot Parish Church nang lapitan ng hindi kilalang babae, na nagpakilalang kaklase ng kanyang anak, at nakiusap na palitan ang mga dala nitong dolyar.
Napapayag ang biktima, sumakay sa hindi naplakahang SUV ng mga suspek at dinala ang mga ito sa kanyang bahay hanggang sa matangay ang nasabing halaga ng pera at alahas, kapalit ng bag umano ng mga dolyar—na mga papel ng pinagtabasan lang pala ang laman.