ni Remy Umerez

MADALANG na ang recording ng mga bagong awiting pamasko. Ang katwiran ng record producers ay limited lang ang buhay nito sa market. Salamat na lamang na nananatili tayong mayroong catalogue ng OPM na awiting pamasko na nagdudulot ng ibayong sigla tuwing Kapaskuhan.

Pasok sa Pinoy playlist ang mga sumusunod na tugtuging pamasko:

Apat sa sampu ay si Levi Celerio (SLN) ang nagsulat ng lyrics . Ang mga ito ay Ang Pasko ay Sumapit (a Visayan poem na ginawang kanta), Pasko Na Naman, Paskong Anong Saya at Noche Buena. Patok ang mga ito sa mga carollers.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Kung baga sa pelikula ay certified blockbuster ang Christmas In Our Hearts na inawit ng mag-amang Jose Mari Chan at Liza. Nag-triple platinum ito na bihirang mangyari sa local music industry.

Theme song ng mga OFW ang Pasko Na Sinta Ko na version ni Gary Valenciano ang pinakamabili at paborito ng marami.

Kabilang din sa talaan ang Mano Po Ninong (Mano Po Ninang) na kabisado ng lahat ng mga bata, Sa May Bahay Ang Aming Bati, Days of Pinoy Krismas at Sa Paskong Darating.

Happy caroling!