SEATTLE (AP, REUTERS) – Isang Amtrak train ang nadiskaril sa overpass sa timog ng Seattle nitong Lunes at tumilapon ang ilang bagon nito sa highway sa ilalim, na ikinamatay ng anim katao at ikinawasak ng dalawang sasakyan sa ibaba, ayon sa mga awtoridad.
Pitumpu’t pitong pasahero at pitong crew members ang sakay nang tumirik ang tren at makalas ang 13 bagon nito malapit sa bayan ng DuPont, sinabi ni Washington State Patrol spokeswoman Brooke Bova. May 100 katao ang naospital, at mahigit isandosena ang malubha.
Sa track chart na inihanda ng Washington State Department of Transportation, ipinakikita na bumaba ang maximum speed ng tren mula127 kph sa 48 kph bago dumating sa pakurbang bahagi ng Interstate 5, kung saan nalihis sa riles ang tren.
Ito ang unang pagtakbo ng tren sa bago at mas mabilis na ruta mula Seatle hanggang Portland, Oregon bilang bahagi ng $180.7 milyon proyekto na dinisenyo para pabilisin ang serbisyo.