This image released by Lucasfilm shows BB-8 in

NANAIG ang Force sa box office nang ipalabas ang Disney-Lucas film na Star Wars: The Last Jedi sa kinitang $220 million nang ipalabas nitong linggo sa 4,232 North American sites — ang second-highest opening weekend sa kasaysayan.

Nagbukas ang tentpole sa kinitang $104.8 million nitong Biyernes (kabilang ang $45 million mula sa kita ng Huwebes ng gabi), na sinundan ng $63.7 million nitong Sabado at nakapagtala ng $52 million nitong Linggo.

Ang Star Wars: The Last Jedi ang ikaapat na pelikulang umabot sa $200 million ang kita sa opening, kahanay ng mga pelikulang The Force Awakens, noong 2015, Jurassic World na kumita ng $208.8 million kita noong 2015, at The Avengers na kumabig naman ng $207.4 million noong 2012.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Truly in a class by themselves, the movies of the Star Wars franchise continue to re-write the history books as to what is possible in terms of box office performance,” lahad ni Paul Dergarabedian, senior media analyst sa comScore.

“Star Wars: The Last Jedi posts the second biggest preview gross, the second best single day gross ever recorded and if that were not enough, the second biggest opening weekend ever in North America, joining the elusive $200 million club with a knockout of a movie that is proving to be both catnip to the critics and moviegoers alike over what has become the strongest moviegoing weekend of 2017,” dagdag pa niya.

Idinirihe ni Rian Johnson, ang Star Wars: The Last Jedi ay kasunod ng Star Wars: The Force Awakens. Bida rito ang nagbabalik na cast na sina Mark Hamill, Carrie Fisher, Adam Driver, Daisy Ridley, John Boyega, Oscar Isaac, at Andy Serkis. Ang mga bagong bituin naman ay sina Kelly Marie Tran, Laura Dern, at Benicio del Toro. - Variety