Ni FER TABOY

Isang tauhan ng Department Social Welfare and Development (DSWD) ang sinibak matapos ireklamo ng panggagahasa ng mga menor de edad na lalaki mula sa isang children’s center sa Mandaue City, Cebu.

Sinabi ni Jun Veliganio, public information officer ng pamahalaang lungsod ng Mandaue, na nahaharap sa kasong rape, acts of lasciviousness at child abuse ang 39-anyos na suspek na hindi kinilala ng Mandaue City Police Office (MCPO), isang social worker sa nasabing children’s center sa siyudad.

Napag-alaman ng pulisya mula kay Veliganio na minamasahe umano ng suspek ang mga biktima at pagkatapos ay gagawan ng pang-aabuso.

Probinsya

Labi ng dalagang inanod ng baha noong bagyong Kristine, natagpuan sa isang creek

May pagkakataon din umano na sinuhulan ng suspek ang isa sa kanyang mga nabiktima upang mapapayag sa kanyang gusto, subalit naaktuhan sila ng isa sa kanyang mga katrabaho sa nasabing center.

Kaagad umanong isinumbong ang suspek sa kinauukulan, at inimbestigahan ng pulisya.

Napaulat na hindi itinanggi ng suspek ang paratang at inamin na bakla siya.

Nabatid na matagal na umanong inaabuso ng suspek ang mga menor de edad na lalaki sa nasabing center.