Ni NORA CALDERON

Ryza Cenon
Ryza Cenon
MASAYANG-MASAYA at hindi makapaniwala si Ryza Cenon na makatatanggap siya ng award bilang kontrabidang si Georgia sa Ika-6 Na Utos.

“Ang tagal ko pong hinintay na makatanggap ako ng award at hindi na rin ninyo ako tatanungin kung ano ang wish ko bilang artista,” nakangiting kuwento ni Ryza nang mainterbyu namin sa set ng top-rating afternoon serye. “Kaya nang matanggap ko ang Best Supporting Actress award ko mula sa OFW Gawad Parangal, sabi ko sulit ang nabubugbog ako halos araw-araw sa mga eksena pero maingat naman si Ate Sunshine (Dizon) tuwing may away kaming dalawa.”

Nag-isang taon na sa ere nitong December 5 ang Ika-6 Na Utos, malaki na ang kinikita niya, kaya niregaluhan niya ng SUV ang sarili niya.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Bumili po ako ng Fortuner, pinalitan ko na ang 12 year-old car ko. Pero hindi ko po binili ng cash kasi naki-share ako with my friends, kami po ni Cholo (Barretto, her boyfriend) sa isang restobar sa BGC (Bonifacio Global City), ang Alegria na Latin-Mexican ang food na sini-serve. Tamang-tama po na nag-open na kami bago ang Christmas kaya may mga events na kaming nakuha.”

Nang tanungin kung ano ang gusto niyang maging ending ng serye nila, mabuhay na lamang si Emma (Sunshine) kasama si Milan. Hindi raw karapat-dapat sa pagmamahal ni Emma si Rome (Gabby Concepcion) dahil hindi naman ito naging seryoso at madaling magbago ang isip. Ang gusto niyang gawin ni Georgia ay patayin nito si Rome at saka siya magpakamatay. Pero alam daw niya na hindi iyon puwede, tiyak na mas gusto ng televiewers ang happy ending.

May palagay si Ryza na babalik pa si Yaya Loleng (Odette Khan) sa istorya dahil ito lang ang nakakaalam ng totoo kay Sydney/Milan na tunay na anak nina Emma at Rome.

Pagkatapos ng last taping day nila (nitong nakaraang Lunes), balak ni Ryza na bumawi ng tulog.

“Magtutulog po ako kasi kulang na kulang ako sa tulog. Gusto kong magpahinga dahil may heart problem ako, kapag intense ang eksena ko nagkakaroon ako ng anxiety attack, nagha-hyperventilate ako, nagna-numb ako from head to toe at nagba-violet ang nails ko. Thank God ipahinga ko lang ng konti nawawala na rin ang panglalambot ko.”

Wala siyang balak magbakasyon sa Christmas at itutuloy niya ang pagbibigay niya ng pagkain para sa street children at mga taong makikita niya sa kalye sa December 25. Taun-taon niya itong ginagawa simula nang mag-artista siya.