Makaaasa ang overseas Filipino workers (OFWs) at ang kanilang pamilya ng mabilis na pagtugon at ng mas pinahusay na serbisyo mula sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Ito ay matapos lagdaan ni Pangulong Duterte ang bagong guidelines sa paggamit ng mahigit P1 bilyon pondo na kanyang ipinalabas upang magamit sa pagtulong sa mga Pilipinong nakararanas ng emergency at iba pang problema sa ibang bansa.

Sa nasabing guidelines sa paggamit ng Assistance to Nationals (ATN) Fund at ng Legal Assistance Fund (LAF), sinabi ni DFA Secretary Alan Peter Cayetano na maaari nang ituon ng DFA ang posisyon nito sa mas epektibong pagtugon sa dumadaming distressed OFWs na nangangailangan ng ayuda mula sa gobyerno.

Pinirmahan ni Cayetano ang mga bagong panuntunan na inihanda para sa Office of Migrant Workers Affairs, ilang linggo na ang nakalipas matapos aprubahan ng Kongreso ang kahilingan ni Pangulong Duterte na taasan ang ATN Fund, mula sa P400 milyon ay gawing P1 bilyon, at ang LAF, na P100 milyon ay gawing P200 milyon sa 2018. - Bella Gamotea

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente