Ni REGGEE BONOAN

KRIS AT HERBERT copy"ONE of the lowest moments of my life, I still remember the date, April 8, 2014, inatrasan ako ng kasal ni Herbert," panimulang pagtatapat ni Kris Aquino sa panayam sa kanya ni Bum Tenorio, Jr. na cover story ng People of the Year special ng People Asia Magazine at kalalabas sa market nitong nakaraang Lunes (December 2017-January 2018 issue).

Ang binabanggit na Herbert ni Kris ay walang iba kundi si Mayor Herbert Bautista ng Quezon City.

“Over the phone,” patuloy na kuwento ni Kris, “I was in Bellevue Hotel in Alabang because we were celebrating the seventh birthday of Bimb. It was that afternoon when I got the call. It did not hit me at first because we were having a party.”

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Ito pala ang binabanggit sa amin na may revelation si Kris sa People Asia Magazine na hindi pa lumabas sa mga pahayagan kaya agad kaming humagilap ng kopya para mabasa.

Ayon kay Kris, nag-propose ang magiting na alkalde isang buwan bago nito kinansela ang kasal.

Matatandaan na nakasalo sa tanghalian si Mayor Herbert sa bahay ng mga Aquino sa Time Steet, at may mga litratong lumabas na ang saya-saya ng buong pamilya, noon kaya hiningi ni Bistek ang kamay ni Tetay sa mga kapatid niya?

May mga haka-haka na rin noon na baka nga nagtapat na si Bistek sa pamilya Aquino, pero biglang napabalitang hindi na okay ang dalawa.

Ang isa pang nakakagulat na rebelasyon ni Kris ay naganap noong nakaraang Enero 22, nang muling nag-propose ng kasal si Herbert at may ibinigay na heart-shaped one carat diamond ring habang nasa Rome, Italy sila.

Sinabi raw ni Bistek sa kay Kris na, “Ang tagal kong utang ito sa ‘yo. So, p’wede bang makabawi ngayon?”

Tinanggap niya ang singsing.

Pero kinabukasan habang nagmemeryenda sila ay isinoli ni Kris ang singsing kay Herbert.

“I returned it the next day because I said that we will always have responsibilities that came before he and I met. And as long as our children are not done yet with their studies, I don’t think we have the freedom to be able to choose happiness,” paliwanag ng Queen of Online World and Social Media.

“I returned the ring not because gusto kong iparamdam sa kanya kung ano’ng ‘pinaramdam niya sa ‘kin three years ago before that. It was because nagising na ako, I just realized that a person like him and a person like me can’t be together because in a home there can only be one star. And I think, a union like that would require me to no longer be me. And I still want to be me.”

Nabanggit din ni Kris na mas lalo pa siyang humanga sa Ama ng Quezon City nang kasuhan sa Sandiganbayan si dating Pangulong Noynoy Aquino dahil sa nangyari sa Mamasapano at naroon si Bistek.

“I admire him so much because he was willing to be the knight in shining armor and he came back when I was already nobody. He came back when I had no network, I had no power, we had no base, du’n ako humanga sa kanya. The admiration grew deeper because he was at Sandiganbayan when Noy posted bail.”

Pero iginiit pa rin ni Kris na hindi sila naging magkarelasyon ni Herbert.

“We don’t even have a relationship at all. I don’t count it anymore because it was always nauudlot. I told him, ‘tayo ‘yung perfect na what-could-have-been so let’s just leave it there.’ I really appreciated it that he came back to my life when I was a nobody.”

Bagamat nasabi na ni Kris na ‘nagising na siya’ ay hindi niya isinasara ang pintuan niya dahil ang sagot niya nang tanungin kung sakaling bumalik ulit si Bistek, ang nakakatawang sagot ni Kris:

“I think if he’s coming back, the perfect time would be June 30, 2019 (when his term as mayor ends). Then we’d know that we are both in it for real kasi I’m not after business permits.”

Apat na kasi ang major investments ni Kris sa Quezon City, ang Chow King sa Alimall na nagbukas noong 2014, ang Mang Inasal sa Anonas, pangalawang branch ng Chow King sa Welcome Rotonda (24 hours) at sa ikalawang linggo ng Enero 2018 ay magbubukas naman ang ikatlong branch sa may Araneta Avenue cor Quezon Avenue.

Bukod sa mga nabanggit ay may 10 branches of Potato Corner and Nacho Bimby si Kris sa mga pangunahing mall sa Quezon City. Ang unang Jollibee branch ni Kris ay magbubukas naman sa ikatlong linggo ng Enero 2018 sa Tarlac.

Ang lahat ng restaurant businesses ni Kris ay pinamamahalaan ng pamangkin niyang si Jiggy Cruz na siya ring marketing manager ng Nescafe Dolce Gusto at panganay na anak nina Ms. Ballsy at Eldon Cruz.

Anyway, ano kaya ang reaksiyon ni Mayor Herbert sa mga rebelasyon ni Tetay? Kaya pala ilang beses nang nababanggit ng mama nina Joshua at Bimby na si Bistek ang favorite ex niya.