Kiko kasama ang MCC at Victory Liner execs
Kiko kasama ang MCC at Victory Liner execs

Ni LITO MAÑAGO

NAPILING image model para sa Victory Liner Premiere Card ang dating Survivor Philippines castaway and Born To Be Wild host na si Kiko Rustia na na may ilang projects nang nagawa para sa Victory Liner, Inc.

Katuwang si Kiko para maipakilala sa mga biyahero ang premiere card na magiging available na simula Disyembre 21, 2017 sa lahat ng Victory Liner bus stations at key merchants sa early 2018.

Pokwang, isa nang ganap na lola!

Ikinatuwa ng dating castaway at TV host ang pagsasanib-puwersa ng Metrobank Card Corporation (MCC) at Victory Liner para sa Premiere Prepaid Visa matapos ang contract signing nitong nakaraang Nobyembre 8 na isinagawa sa tanggapan ng Victory Liner sa E. Rodriguez Avenue, Quezon City.

Dumalo sa contract signing sina Mr. Cesar Nicolasora, Jr. (Metrobank’s FVP-Chief Finance Officer), Mr. Aloysius Alday, Jr. (Metrobank’s SVP-Head of Prepaid Cards Business), Mr. Riko Abdurrahman (President, Metro Card), Mr. Johnny Hernandez (President and General Manager ng Victory Liner), Ms. Marivic Del Pilar (VP for Treasury and Marketing ng Victory Liner Inc.), and Mr. John Edward Hernandez (VP for Operations of Victory Liner, Inc.).

Ang Victory Liner Premiere Prepaid Visa ay isang card na magbibigay ng travel convenience via online booking kapag bibili ng ticket para sa susunod na travel adventure ng lahat, pribilehiyo sa Victory Liner bus stations, at perks at discounts sa piling merchants at business establishment sa Metro Manila at iba’t ibang mga probinsiya sa Luzon.

Reloadable prepaid Visa Card ito kaya maaari ring gamitin ng cardholders sa face-to-face at online purchases sa mahigit 40 million na establishments sa buong mundo tulad ng isang credit card.

Puwede ring makatanggap ang cardholders ng pera mula sa kanilang mga mahal sa buhay, mag-withdraw ng cash mula sa ATM tulad ng isang ATM debit card, at bilang deposit account na safe na safe ang pera. Ang kailangan lang ay mag-load sa Victory Liner Premiere Prepaid Visa.

Madali lang ang mag-load sa mahigit 4,000 loading points tulad ng SM, Robinson’s, National Bookstore, Waltermart, Family Mart , and ECPay Merchant Partners such as RD Pawnshop, M Lhuillier Pawnshop, Tambunting Pawnshop, San Mig Food Avenue Stores, Petron Treat Stores, at marami pang iba.