BINIGYAN ng regalo ni Thirdy Ravena ang batang pasyente bilang bahagi ng programa ng Jr. NBA.
BINIGYAN ng regalo ni Thirdy Ravena ang batang pasyente bilang bahagi ng programa ng Jr. NBA.

TUWA’T saya ang hatid nina Jr. NBA Philippines All-Stars Thirdy Ravena (2011), at Tyler Tio (2013) ng Ateneo Blue Eagles, gayundin si Rhayyan Amsali (2014) ng National University Bullpups sa mga batang pasyente ng Pediatric Ward ng Philippine Heart Center (PHC).

Kasama ng tatlong Jr. NBA alumni si Jr. NBA coach Ruben Lanot sa pamimigay ng laruan at pasalubong upang pasiglahin ang kanilang mga puso’t diwa sa kabila ng dinaranasa na karamdaman.

“I hope we made the kids feel the spirit of Christmas with the toys and pray that they continue being brave in fighting their everyday battles,”pahayag ni Tio.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Iginiit naman nina Ravena at Amsali na maging sila ay nabuhayan ng loob at pananampalataya sa Maykapal matapos makasalamuha ang mga batang matatapang na hinaharap ang dagok sa buhay.

Nagpasalamat naman ang pamunuan ng Philippine Heart Center sa programa ng NBA at ng Larc&Asset PR para sa taunang tradisyon na pagbibigay sa kapwa sa panahon ng Kapaskuhan.