Pinakakasuhan ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan si dating Jasaan, Misamis Oriental mayor Grace Jardin at anim pang miyembro ng Bids and Awards Committee (BAC) dahil sa maanomalyang paggawad ng kontrata para sa road concreting project noong 2015.

Kabilang sa sasampahan ng kasong paglabag sa Section 3(e) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act (Republic Act No. 3019) sina BAC Chairperson Leo Casiño, Vice-Chairperson Mark Allan Bagayna, members Liza Gaurana, Emrick Tabequero, Arlene Dacoco at Warren Gaurana.

Nadiskubre ng fact-finding body ng anti-graft agency na minanipula ng mga nabanggit ang bidding sa supply ng construction materials para sa road project sa Sitio Igpit, Luz Banzon, sa bayan ng Jasaan. Ibinigay ang kontrata sa WGG Concrete Products and Mini Hardware na pag-aari ni Warren Gaurana, asawa ng BAC member na si Liza, noong Hulyo 2015.- Rommel P. Tabbad

Kalokalike ni Awra Briguela, mas maganda pa raw sa kaniya