Mga Laro Ngayon (Fil-Oil Flying V Center)

4:15 n.h. -- Kia vs NLEX

7:00 n.g. -- Magnolia vs. Alaska

PAPAGITNA ang apat pang koponan para simulan ang kani-kanilang kampanya sa season opening PBA Philippine Cup ngayon sa Fil Oil Flying V Center sa San Juan.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Maghahangad na makahanay sa win column kasama ng opening day winner at defending champion San Miguel Beer ang Kia Picanto at NLEX ganap na 4:15 ng hapon gayundin ang Magnolia Hotshots at Alaska na magsasalpukan ganap na 7:00 ng gabi.

Isa sa inaabangan ang debut ng second overall pick sa nakaraang draft na si Kiefer Ravena para sa Road Warriors.

Para kay NLEX coach Yeng Guiao, hindi siya magtataka sa puwedeng maipakita ni Ravena dahil batid na aniya ng lahat ang kakayahan ng second generation player.

“I know what I expect. I guess everybody knows what he can do, so I’m no longer surprised with what he’s able to do for our team.,” pahayag ni Guiao. “And the good side is that he”s going to get better and he’s going to be special in this league.”

Inaasahan din ang pagpapakita ng lalo pang pag-angat sa laro ng Road Warriors buhat sa naging performance nila noong season 42 sa pangunguna nina Kevin Alas, JR Quiñahan, Larry Fonacier, Asi Taulava at Cyrus Baguio.

Wala namang maituturing na marquee player, aasa ang Kia sa sipag na ipapakita ng kanyang mga players sa lahat ng aspeto ng laro.

“We’re realistic in knowing that we may not have top tier guys but what we have are the hardest workers in this league and I can attest to that hard work,” pahayag ni Kia coach Chris Gavina. “We’re envisioning our team to be highly-disciplined and to be defensive-minded.”

Ang naturang sipag ang inaasahan ni Gavina na magpupuno sa kakulangan ng koponan pagdating sa antas ng talento.

Sa tampok na laro, taglay ang bagong pangalang Magnolia Chicken Hotshots buhat sa dating Star, target ng koponan na malagpasan ang pinakamataas na inabot nila sa nakalipa sna season.

Tulad nila, asam din ng katunggaling Alaska Aces na makabawi ngayong season 43. - Marivic Awitan