NAKOPO ni Fide Master (FM) Roel Abelgas ang kampeonato sa katatapos na 1st Vice Mayors League of Isabela Open Chess Championships nitong Linggo sa Angadanan Community Center, Angadanan, Isabela.

Tinalo ni Abelgas ang kapwa FM Austin Jacob Literatus para tumapos ng walong puntos sa siyam na laro. Naiuwi ni Abelgas ang P40,000 top prize, plus elegant trophy sa two-day affair (Disyembre 16 at 17, 2017) na isinagawa kaalinsabay ng pagdaraos ng Alpha Phi Omega anniversary.

“The purpose in the said chessfest is to promote sports tourism in the province of Isabela, welcoming the great chess players from Northern Luzon and the invitation to nearby provinces and from National Capital Region, Visayas and Mindano. Thus, this will strengthen the ties among delegates representing their Local Government Units” sambit ni chess arbiter Boyet Tardecilla.

Pumangalawa si 13-time Philippine Open champion Grandmaster Rogelio “Joey” Antonio Jr. ng Quezon City na nauwi sa tabla ang laban kay Fide Master David Elorta tungo sa 7.5 puntos para kamit ang P20,000 second prize money plus trophy.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Si Elorta ay nakaipon naman ng kabuuang 7.0 puntos kagaya ng naitala nina Ellan Asuela at Daniel Quizon. Si Asuela ay nanalo kay Ryan Christian Magtabog habang si Quizon ay nakalusot kay Jose Aquino Jr.

Tumapos si Elorta ng ika-3 puwesto tungo sa P10,000 plus trophy kung saan mas mataas ang tie break niya kina fourth placer Asuella at fifth placer Quizon na tumanggap naman ng tig P5,000 at medal.

Nanaig sina GM Darwin Laylo ng at International Master Barlo Nadera laban kina Mc Dominique Lagula at National Master Emmanuel Emperado, ayon sa pagkakasunod kung saan ang dalawa ay kapwa nakapagtala ng tig 6.5 puntos para maibulsa nila ang tig-P5,000 at medalya.

Nangibabaw din ang 10 anyos na si John Lance Valencia na tinalo ang lahat ng katunggali tungo sa pag iskor ng perfect 7.0 puntos sa kiddies 12 year old and below at makopo ang P10,000 first prize plus trophy. - Gilbert Espeña