Pitong miyembro ng New People's Army (NPA) at tatlo naman mula sa Abu Sayyaf Group (ASG) ang sumuko sa Armed Forces of the Philippines sa nakalipas na mga araw.

Ayon kay AFP-Western Mindanao Command (AFP-WestMinCom) spokesperson Army Capt. Jo-Ann Petinglay, Linggo nang sumuko sa 1st Mechanized Infantry Battalion ang tatlong miyembro ng Platoon Samsung, Guerilla Front 73 ng Far South Mindanao Region na sina Teddy Ayunan, Telada Maguil, at Sandino Julan.

Isinuko rin ng tatlo ang isang Garand rifle, isang .357 caliber Smith and Wesson, at isang M16 rifle (Colt) sa puwersa ng gobyerno sa Barangay Kamasi, Ampatuan, Maguindanao.

Disyembre 14 naman nang sumuko ang apat na kasapi ng Guerilla Front 73 sa militar bitbit ang isang anti-tank improvised explosive device (IED), isang Elisco M16 rifle, isang Colt M16 rifle, at homemade Uzi sub-machine gun.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Kinilala ang apat na sumukong rebelde na sina Ariel Biluwal, Oting Ginta, Michael Malik, at Jane Gantangan.

Sa Joint Task Force Sulu (JTF-Sulu) naman sumuko nitong Linggo ng gabi ang tatlong miyembro ng Abu Sayyaf.

Ayon kay JTF-Sulu Commander Brig. Gen. Cirilito Sobejana, sumuko sa 4th Special Forces Company sa Bgy. Kanaway, Parang, Sulu sina Amin Asjad Ismula, 37, ng Bgy. Taglibi, Patikul; at Aldissar Bara Jurrani, 24, ng Bgy. Buanza, Indanan, Sulu, bitbit ang dalawang M1 Garand rifle.

Nauna rito, Disyembre 11 nang sumuko ang isa pang bandido, si Persing Abdurasid, sa militar sa Bgy. Kanaway, Parang, Sulu. - Nonoy E. Lacson