UNITED NATIONS (AP) – Tinatayang 258 milyong katao ang umalis sa kanilang mga bayang sinilangan at naninirahan sa ibang bansa – tumaas ng 49 porsiyento simula 2000, ayon sa bagong ulat ng U.N. sa international migration.
Inilabas ang biennial report mula sa Department of Economic and Social Affairs nitong kasabay ng International Migrants Day.
Nakasaad dito na ang percentage ng mga tao sa mundo na nandarayuhan ay tumaas mula 2.8% noong 2000 sa 3.4% ngayong taon. Tumaas rin ang percentage ng naninirahan sa high-income countries mula 9.6% noong 2000 sa 14% ngayong 2017.