MOSCOW/WASHINGTON (Reuters) – Nagbigay ang United States ng intelligence sa Russia ng impormasyon na nakatulong para masawata ang sana’y madugong bomb attack sa St. Petersburg, inilahad ng mga opisyal ng U.S. at Russian nitong Linggo, sa bibihirang pagpapakita ng pagtutulungan ng magkaribal na bansa.
Tinawagan sa telepono ni Russian President Vladimir Putin si U.S. President Donald Trump nitong Linggo para pasalamatan sa pagbibigay ng tip, na ayon sa Kremlin ay nakatulong na maiwasan ang pagpapasabog ng mga militante sa Kazansky Cathedral sa St. Petersburg, at sa iba pang mga lungsod.
Hindi ibinunyag ng White House ang mga detalye sa mismong plano ngunit sinabi na ang atake “could have killed large numbers of people.” Dahil sa babala ng U.S. kumilos ang Russian law enforcement agencies para arestuhin ang mga suspek bago pa nila maisagawa ang kanilang plano, sinabi ng White House at ng Kremlin.
“Both leaders agreed that this serves as an example of the positive things that can occur when our countries work together,” pahayag ng White House.