Nagpatupad ng oil price hike ang mga kumpanya ng langis sa bansa ngayong Martes.

Sa pahayag ng Eastern Petroleum at Phoenix Petroleum Philippines, Inc., epektibo dakong 6:00 ng umaga ngayong Disyembre 19 ay magtataas ang mga nasabing kumpanya ng 50 sentimos sa kada litro ng diesel, at 30 sentimos naman sa gasolina.

Asahan na ang pagsunod ng ibang kumpanya ng langis, tulad ng Flying V, Shell, Petron at Seaoil sa kahalintulad na dagdag-presyo sa petrolyo, kahit hindi pa naglalabas ng abiso ang mga ito.

Ang bagong pagtaas na ito ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan. - Bella Gamotea

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina