Mura at epektibong data transmission industry ang mararanasan ng bansa sakaling mabuksan ito sa ibang kumpanya.
Ayon kay Senador Bam Aquino, aprubado na sa Kamara ang kaparehong batas na kanyang isusulong sa Pebrero.
“Kapag naipasa ito, it’s like an open invitation for companies to transact in this industry, in the data transmission industry in the Philippines. At ‘pag binuksan natin ‘yan, most of the time ang nangyayari, bababa ‘yong presyo, gaganda ‘yong serbisyo at ‘yon ang hinahanap ng tao,” ani Aquino.
Aniya, isa sa mga isinusulong niya ay ang pag-itsapuwera sa pagkuha ng congressional franchise na isa sa mga inirereklamo ng ilang stakeholders.
Ang pagkuha ng prangkisa ang nagpapatagal sa operasyon kaya nagiging mahal ang singil ng mga ito.
“Personally, I think kinaklaro na value-added service ‘yong data. Ibig sabihin ‘yan hindi mo na kailangan ng congressional franchise para magtayo ng isang internet service provider,” paliwanag pa ni Aquino. - Leonel M. Abasola