ANG mga babaeng may problema sa pagtulog, bukod pa sa sleep apnea, ay tatlong beses na mas mataas ang tsansang hindi makaranas ng pagdadalantao, na kabaligtaran naman ng mga taong walang problema sa pagtulog, ayon sa isang bagong pag-aaral.
Bagamat sa insomnia laging isinisisi ang kahirapan ng babae sa pagtulog, napag-alaman sa pag-aaral na apat na beses na malaki ang tsansang mabuntis ang mga babaeng walang problema sa pagtulog.
Sa nakaraang pag-aaral, iniuugnay ang hindi pagbubuntis sa apnea, o hirap na paghinga kapag natutulog. Ngunit ang kasalukuyang pag-aaral ay sumuri sa kababaihan na mayroon pang ibang uri ng problema sa pagtulog, kaya nag-aalok ito ng mga bagong ebidensiya, na kailangang pagtuunan ng pansin ng kababaihan, ayon sa pangunahing may akda ng pag-aaral na si Dr. I-Duo Wang, ng Tri-Service General Hospital and National Defense Medical Center sa Taipei, Taiwan.
“Women of child-bearing age should sleep earlier, avoid night shift work or cell phone use before sleep,” sabi ni Wang. “Moreover, a healthy diet, regular exercise and a good lifestyle are important to prevent infertility.”
Isa sa sampung babae na nasa hustong gulang na upang mabuntis ay nahihirapang magbuntis. Sa halos lahat ng oras, ang problema ay nangyayari sa ovulation, na karaniwang may kinalaman sa hormone imbalance na kilala bilang polycystic ovarian syndrome (PCOS).
Ang mga babaeng may problema sa pagtulog ay mas malaki ang tsansa na magkaroon ng iba’t ibang chronic health problems, kabilang ang alta-presyon, mataas na cholesterol, problema sa baga at atay. Ang mga babaeng mayroong problema sa pagtulog ay maaari ring magkaroon ng iregular na menstrual cycle, problema sa thyroid, depresyon at pagkabalisa.
“We still have a lot to learn about how exactly sleep disorders confer risk for infertility,” ani Jennifer Felder, mananaliksik sa University of California, San Francisco, na walang kinalaman sa pag-aaral.
“Although we do not yet know whether treating sleep disorders improves fertility, treatment may help and is not likely to hurt,” sinabi ni Felder. “Cognitive behavior therapy is recommended as the first line of treatment approach for insomnia, which was the most prevalent sleep disorder in this sample, and it is available in-person with a therapist or via digital applications or self-help workbooks.” - Reuters