Pinagtibay ng Court of Appeals (CA) ang hatol sa murder at habambuhay na pagkakabilanggo sa road rage killer na si Jason Ivler sa pagkamatay ng anak ng isang dating opisyal ng Malacañang noong 2009.

Sa desisyon na isinulat ni Associate Justice Ramon A. Cruz, ibinasura ng CA ang petisyon ni Ivler, na hinatulan sa pagpatay kay Renato Ebale Jr., anak ni dating Presidential Chief of Staff Renato Ebarle Sr.

“We uphold the accused-appellant’s conviction. Contrary to Ivler’s contention, the prosecution has proven all of the elements of murder,” saad sa pasya ng CA.

Sa nasabing ruling, pinagtibay ng CA ang hatol ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) laban kay Ivler noong Nobyembre 24, 2015.

National

Dela Rosa at Marcoleta, binisita si OVP Chief of Staff Zuleika Lopez sa ospital

Nobyembre 18, 2009 nang barilin at mapatay ni Ivler, pamangkin ng folk singer na si Freddie Aguilar, si Ebarle Jr. makaraang magtalo sa kalagitnaan ng trapiko sa Quezon City.

Tumakas si Ivler matapos ang krimen, at naaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) noong Enero 18, 2010 sa bahay ng kanyang ina na si Marlene Aguilar.

Hinatulan si Ivler ng 40 taong pagkakabilanggo at pinagbayad ng danyos sa pamilya Ebarle. - Rey Panaligan