FORTUNA: naghihintay ang scholarship grant sa Oklahoma City.
FORTUNA: naghihintay ang scholarship grant sa Oklahoma City.

NAITARAK ni Mikhaela Fortuna ang magkasunod na four-under 68s para masungkit ang 12th 100Plus Malaysian Junior Open Championship nitong weekend sa Grenmarie Golf Club sa Kuala Lumpur.

Nakabawi si Fortuna sa malamyang even par 72 sa first round para makahirit sa mga karibal tungo sa kabuuang iskor na 208, isang stroke ang bentahe sa sumegundang si Malaysian Winnie Ng, umikor ng 68-71-70 (209).

Nakamit din ni Malaysian Natasha Oon (75) at Liyana Durisic (77) ang runner-up sa parehong final score 218 kasunod si Ashley Lau (291) matapos ang final round 69.

ALAMIN: Ano nga ba ang EBET Law na pinirmahan ni PBBM

Pumuwesto naman si Sofia Chabon sa ika-10 (226) matapos ang iskor na 75, habang ang kababayan at kapwa TCC player na si Bernice Olivarez-Ilas ay nasa ika-13 sa iskor na 78 pata sa 229 .

“I just hung in there and tried not to be intimidated by Ng’s rally. I’m so happy to have pulled it off,” pahayag ni Fortuna, nakatakdang mag-aral sa Oklahoma University sa susunod na taon matapos makakuha ng full-scholarship.

Bunsod ng panalo, natuldukan ni Fortuna ang mahabang panahong pakikibaka sa torneo at mag-kwalipika sa US Girls’ Championship.