NAKOPO ng reigning UAAP baseball champion Ateneo de Manila ang WBSC Hong Kong International Baseball Open championship matapos ang paggapi sa Sydney University, 10-4, nitong Linggo sa Lion Rock Park Baseball Field sa Kowloon, Hong Kong.

“It feels great to be back. It’s always good to come here and play,” pahayag ni Ateneo catcher Dino Altomonte. “We’re looking to do it again next year.”

Maliban sa pagwawagi ng titulo sa ikalawang sunod na taon, halos hinakot din ng Blue batters ang karamihan sa mga individual awards.

Nakamit ni Marco Mallari ang Most Valuable Player award matapos lumaro sa lahat ng apat na laban kung saan nagtala ng walong runs buhat sa 9-of-14 na pagkakataon.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Iginawad naman kay UAAP Season 79 Finals MVP Paulo Macasaet ang parangal bilang Best Pitcher. Nagtala ang national team standout ng 11 struck sa nakaharap na 11 batters kontra 6 na runs.

Ang Filipino-American Marquis Alindogan ang nagposte ng most hits at most stolen bases sa 4-team meet habang si coach Randy Dizer ang tinanghal na Best Coach.

Unang tinalo ng Ateneo ang Sydney University,12-7 bago isinunod ang Hong Kong Blue , 9-6, at ang Lanzhou New Way, 12-3. - Marivic Awitan