NAPASIGAW sa labis na kasiyahan si Noynay nang ideklarang kampeon sa China.
NAPASIGAW sa labis na kasiyahan si Noynay nang ideklarang kampeon sa China.
NATAMO ni Pinoy fighter Joe Noynay ang WBO Asia Pacific Youth super featherweight crown at bakanteng WBC ABCO Silver junior lightweight title matapos talunin sa 8th round technical decision ang paboritong si Chinese Pan Jing Xiang kamakalawa sa Zhongshan Sports Arena, Zhongshan, China.

“It was a tense tactical struggle from the start but Noynay stunned Pan with a sneaky uppercut in the second round, dropping the Chinese boxer for the first knockdown of the fight,” ayon sa ulat ng Philboxing.com. “Pan immediately got up and continued to exchange well placed punches. But the southpaw Noynay’s awkwardness proved to be his advantage and he dropped Pan again in the third with a body shot. Pan seemed more surprised than hurt and rallied in the subsequent rounds.”

Naulo ni Pan si Noynay sa 6th round at pagdating ng 8th round ay itinigil ni referee Danrex Tapdasan ang sagupaan at nagwagi ang Pilipino sa mga iskor ng huradong sina Michelle Ng (Macau) – 76-74, Surat Soikrachang (Thailand) – 76-74 at Martino Redona (USA) – 78-72. Napaganda ni Noynay ang kanyang rekord sa 13-2-1 na may 4 pagwawagi sa knockouts samantalang bumagsak ang kartada ni Pan sa 8 panalo, 1 talo na may 4 panalo sa knockouts.

Inaasahang papasok si Noynay sa WBO rankings para sa buwan ng Disyembre dahil nakalista si Pan na No. 14 kay WBO super featherweight champion Vasyl Lomachenko ng Ukraine. - Gilbert Espeña

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe