UNITED NATIONS (AFP) – Tinitimbang ng UN Security Council ang binalangkas na resolusyon na nagsasaad na walang epektong legal at kailangang baliktarin ang anumang pagbabago sa estado ng Jerusalem, bilang tugon sa desisyon ni US President Donald Trump na kilalanin ang lungsod bilang kabisera ng Israel.

Sa draft text na ipinamahagi ng Egypt sa mga diplomat nitong Sabado, maaaring pagbotohan ng konseho ang hakbang sa Lunes ng umaga.

Idinidiin sa draft resolution na ang Jerusalem ay usaping dapat resolbahin sa mga negosasyon at napapahayag ng ‘’deep regret at recent decisions concerning the status of Jerusalem.’’

‘’Any decisions and actions which purport to have altered the character, status or demographic composition of the Holy City of Jerusalem have no legal effect, are null and void and must be rescinded,’’ ayon dito.
Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina